KAUNA-UNAHANG KARERA NG BANGKA SA BINMALEY, GAGANAPIN BILANG BAHAGI NG SIGAY FESTIVAL 2026

Gaganapin sa Enero 28 ang kauna-unahang karera ng bangka sa Binmaley, Pangasinan bilang bahagi ng mga programang naglalayong itaguyod ang sportsmanship, disiplina, at pagkakaisa sa bayan.

Inihayag ng lokal na pamahalaan ang pagsasagawa ng BANCA KARERA 2026 na magsisilbing unang malaking paligsahan sa bangkang de-padyak sa kasaysayan ng Binmaley.

Ang karera ay magsisimula sa bahagi ng ilog na sakop ng Brgy. Biec at Lomboy, malapit sa Maphilindo Bridge.

May dalawang kategoryang pagbabatayan sa paligsahan, kabilang ang Individual Category na bukas para sa kalalakihan at Mixed Double Category na binubuo ng tig-isang lalaki at babae sa bawat entry, na may kalakip na premyo mula P2,000-P5,000.

Ipinabatid din na ang rehistrasyon ay isasagawa sa first come, first served basis at may limitadong bilang ng slot para sa bawat kategorya.

Ang BANCA KARERA 2026 ay inaasahang magiging simula ng isang taunang aktibidad kasabay ng pagdiriwang ng Sigay Festival na tumutukoy sa saganang pangingisda ng mga Binmalenian sa baybayin man o kailugan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments