Kauna-unahang kaso ng African Swine Fever sa Abuyog, Leyte, naitala ng DA

Kinumpirma na ng Department of Agriculture (DA) na nakarating na ang African Swine Fever (ASF) sa Abuyog, Leyte.

Ito ang kauna-unahang kaso ng ASF na naitala sa lalawigan at pinakauna sa Visayas Region.

Ayon sa DA, noong December 2020 pa unang napaulat ang hindi pangkaraniwang pagkakamatay ng mga baboy sa mga backyard farms sa Brgy. Can-aporong at Bunga ng nasabing lalawigan.


Kinumpirma ang ASF ng lumabas na ang positive results sa ginawang pagsusuri sa mga samples.

Dahil dito, nagpatupad na ang DA ng disease control measures sa mga ASF-affected areas upang makontrol ang pagkalat ng virus sa iba pang lugar.

Facebook Comments