Kauna-unahang kaso ng Brazilian COVID-19 variant sa bansa, naitala sa Quezon City

Kinumpirma ni Quezon City Mayor Joy Belmonte na naitala sa lungsod ang kauna-unahang kaso ng Brazilian variant ng COVID-19 sa bansa.

Bukod dito, mayroon na rin 13 kaso ng UK variant at apat na kaso ng South African variant sa lungsod.

Kaugnay nito, puspusan ang isinasagawang contact tracing sa lungsod para maagapan ang pagkalat ng mga bagong variant ng virus.


Facebook Comments