KAUNA-UNAHANG KASO NG MPOX SA REHIYON DOS, NAITALA

CAUAYAN CITY- Naitala ang kauna-unahang kaso ng monkeypox sa Lambak ng Cagayan, ito ay matapos kumpirmahin ng Department of Health Region 02-Cagayan Valley Center for Health Development (DOH-CVCHD).

Ayon sa DOH, naka-isolate na ang naturang pasyente at binibigyan ng atensyong medikal kung saan hindi naman idinetalye ang pagkakakilanlan nito.

Ang nasabing kumpirmasyon ay inanunsyo ng Kagawaran noong ika-9 ng Setyembre taong kasalukuyan.


Sa kasalukuyan, nagsasagawa ng contact tracing ang DOH Cagayan Valley sa mga nakasalamuha ng pasyente upang mabantayan ang mga ito at mabigyan ng wastong patnubay sa mga maaari nilang gawin.

Facebook Comments