Monday, January 19, 2026

KAUNA-UNAHANG LGU-OPERATED CRS OUTLET SA PILIPINAS, BINUKSAN SA CANDON CITY

Pormal na binuksan ngayong Martes, Setyembre 2, ang kauna-unahang LGU-operated Civil Registry System (CRS) outlet sa bansa na matatagpuan sa 2nd Floor ng Candon City Arena, Ilocos Sur.

Kaya nitong magserbisyo sa mahigit 400 katao mula sa Candon at mga karatig-bayan araw-araw. Bukas ito mula 9:00 AM hanggang 5:00 PM tuwing Lunes, at 8:00 AM hanggang 5:00 PM mula Martes hanggang Biyernes.

Ayon kay Mayor Eric Singson, malaking tulong ito sa mga residente at inaasahang susundan ng ibang LGU sa buong bansa. Dagdag ng PSA, may karagdagang P40.00 processing fee sa regular na bayad upang masustentuhan ang operasyon ng outlet.

Pinangunahan ang ribbon-cutting ng alkalde, mga opisyal mula sa PSA, at iba pang panauhin mula sa proyekto ng CRS-ITP2. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments