Kauna-unahang Magnus Wind Turbine sa Pilipinas, Binuksan sa Batanes

Cauayan City, Isabela-Pinasinayaan na ang Typhoon-Proof 10kw Magnus Vertical Axis Wind Turbine na itinayo sa Naidi Hills, Basco, Batanes na kauna-unahan sa buong Pilipinas.

Ang proyektong ito ay pinondohan ng kumpanyang Challenergy, isang Japan-based renewable energy company na hinahangad na makalikha ng isang napapanatiling power sector para sa mga susunod na henerasyon.

Ipinatupad ng Challenergy Inc. Philippines katuwang ang Batanes Electric Cooperative Inc. (BATANELCO), Pamahalaang Panlalawigan ng Batanes at ang LGU Basco.


Idinisenyo mismo ito ng Challenergy upang magkaroon ng matibay na pundasyon laban sa matinding hangin at kalamidad.

Kumbinasyon ito ng “vertical axis” na nagbibigay-daan upang tumugma sa omni directional wind, at “magnus effect” na isang lifting power generated na may nakapalibot na vertically-set cylinders.

Ang hakbangin na ito ay tiyak na makakatulong sa walang tigil na pagkamit ng sustainable energy sa lalawigan.

Saksi rin sa pagpapasinaya si Japanese Ambassador to the Philippines Kazuhiko Koshikawa at mga Challenergy officials ng Japan sa pamamagitan ng Online Teleconference.

Facebook Comments