Kauna-unahang Malasakit Center, binuksan ni Sen. Go sa Novaliches, QC

50

Binuksan ni Senator Bong Go ang kauna-unahang LGU run Malasakit Center sa Novaliches, Quezon City.

Ang panibagong Malasakit Center ay ika-46 Center na sa buong bansa at pang 21 naman sa Luzon.


Ang Malasakit Center ay isang one-stop shop kung saan matatagpuan ang mga helpdesk ng PhilHealth, PCSO, PAGCOR, DOH at DSWD

Layunin nito na agarang mabigyan ng ayuda sa pagpapagamot ang  mga mahihirap na kadalasa’y ipinapa-sa Diyos na lamang ang karamdaman dahil walang pambayad sa ospital.

Ayon kay Mayor Joy Belmonte, malaking tulong ito dahil ang Novaliches ay kabilang sa may pinakamaraming  mahihirap na pasyente na nagpapagamot sa Novaliches District Hospital.

Naglaan ng inisyal na limang milyong piso si Go para sa operasyon ng naturang Malasakit Center.

Kasabay nito, binisita at binigyan ng ayuda ni Senator Go ang mga pamilya ng mga nasunugan sa Barangay Gulod, Quezon City.

Facebook Comments

From Advertisers