Inaasahang magbubukas sa kalagitnaan ng 2026 ang kauna-unahang medical center na nakatuon sa serbisyong pangkalusugan ng mga senior citizens sa Asingan.
Layunin ng nasabing pasilidad na magbigay ng libreng serbisyong medikal para sa mga nakatatanda bilang tugon sa pangangailangan ng sektor sa mas accessible at dedikadong healthcare services.
Isinagawa ang groundbreaking ng proyekto noong Oktubre 2025 sa pangunguna ng philanthropist na si Alex Tanwangco, katuwang ang lokal na pamahalaan ng Asingan.
Ang lupang pinagtayuan ng gusali ay pagmamay-ari ng munisipyo, habang ang 150-square meter na bungalow-type na medical center ay donasyon mula kay Tanwangco.
Ayon sa lokal na pamahalaan, nakahanda na rin ang manpower at mga kinakailangang paghahanda para sa operasyon ng pasilidad.
Target na matapos ang konstruksyon sa gitna ng 2026 at maisagawa ang basbas ng gusali sa Abril 2026 bago ito tuluyang buksan para sa mga benepisyaryong senior citizen.










