Cauayan City, Isabela- Pormal nang inilunsad ng Land Transportation and Franchising Regulatory Board (LTFRB) Region 2 ang limang (5) unit ng Modernized Public Utility Jeepneys (Class 3) sa lalawigan ng Cagayan.
Ibinida ng Tuao United Builders Transport Cooperative ang mga bagong anyo ng PUJ na kung saan ay magiging ruta nito ang Tuguegarao City-Tuao, Cagayan via Piat.
Ang mga naturang modernized jeepney ng nasabing kooperatiba ay mayroong Euro-4 engines, 23-seating capacity, dashcams, CCTV, speed limiters, AFCS o Automatic Fare Collection System at mayroon din WiFi.
Pinangunahan naman ni LTFRB Regional Director Edward L. Cabase ang paglulunsad ng mga bagong PUJs sa Cagayan katuwang ang Public Utility Vehicle Program Modernization Team (PUVPM Team).
Ito na rin ang kauna-unahang kooperatiba na gagamit ng modernized PUJ sa Cagayan na pinayagang bumiyahe.
Facebook Comments