KAUNA-UNAHANG MODERNIZED PUJ SA LA UNION, INILUNSAD

Inilunsad ang kauna-unahang Modernized Public Utility Jeepney sa lalawigan ng La Union.
Nasa dalawampu’t dalawang (22) Modernized PUJs Class 2 Unit ng La Union Transport Multi-Purpose Cooperative (LUTRAMPCO) na may rutang San Fernando City-Naguilian, La Union vice-versa ang aarangkada upang magbigay serbisyo sa mga mananakay.
Ang mga ito ay Euro-4 engines, 22-seating capacity at accessories na kinabibilangan ng GPS, dash cams, CCTV, speed limiters, Automatic Fare Collection System (AFCS) at WiFi.

Nakatakda ding magbigay ang nasabing kompanya ng Modernized Jeepney ng libreng sakay na bahagi ng service contracting program.
Ang PUV Modernization Program ay ang flagship, non-infrastructure project ng gobyerno na naglalayong magbigay ng isang ligtas, abot-kaya at environmentally-sustainable na pampublikong sistema ng transportasyon sa bansa. | ifmnews
Facebook Comments