Kauna-unahang namatay sa COVID-19 sa hudikatura, naitala

Nakapagtala ang hanay ng hudikatura ng kauna-unahang Person Under Investigation (PUI) na  namatay dahil sa COVID-19.

Ito ay sa katauhan ni Calamba Regional Trial Court, Judge Virgilio “Dave” Gesmundo.

Ang nasabing hukom ay naging first placer nuong 1977 bar examinations na nakakuha ng gradong 91.8 percent, kung saan siya ay nagtapos sa Ateneo De Manila University, College of Law.


Bago siya pumasok sa hudikatura ay naging Dean siya sa Arellano Law School.

Ang naturang judge ay unang dinala sa ospital sa Parañaque City nito lamang March 15 makaraang magkasakit pero inilipat sa Adventist hospital sa Pasay City at duon na binawian ng buhay na agad namang pina-cremate.

Ang pagpanaw ng judge ay kinumpirma mismo ni Atty.Cheska Gesmundo, panganay na anak ng biktima sa pamamagitan ng viber group ng Supreme Court, Court of Appeals at ng Philippine Judges Association.

Facebook Comments