Kauna-unahang National Convention of Election Officers, umarangkada na

Ngayon ang huling araw ng Hands-On Training sa paggamit ng automated counting machine para sa lahat ng election officers sa paghahanda sa darating na Eleksyon 2025.

Ito ang kauna-unahang National Convention of Election Officers na dinaraos ngayon sa World Trade Center sa Pasay City na nagsimula kahapon.

Dinaluhan ito ng dalawang libong election officers na nagmula pa sa  iba’t ibang bahagi ng bansa.


Si Commission on Elections (Comelec) Academy Commissioner-in-Charge Ernesto Ferdinand Maceda Jr. ang nagbigay ng speech sa pagbubukas ng huling araw ng convention.

Ayon sa Comelec, ang layunin ng nasabing convention ay upang sanayin ang mga election officers sa mga alituntunin at regulasyon para sa darating na Eleksyon 2025.

Facebook Comments