Kauna-unahang nationwide Christmas tree lighting ng RMN, masasaksihan na!

Ilang oras na lamang ay masasaksihan na natin ang kauna-unahang nationwide Christmas tree lighting ng Radio Mindanao Network o RMN.

Ganap na alas singko y media ng hapon, sabay-sabay na papailawin ang Christmas tree ng bawat himpilan ng RMN at iFM station sa buong bansa.

Magsisimula ang special coverage ng DZXL RMN-Manila mamayang alas singko ng hapon at live niyo na mapapanood sa Facebook sa pamamagitan ng RMN News page.


Dito sa DZXL RMN-Manila, mula noong December 10 hanggang kahapon ay umabot sa 40 tagapakinig ang nagsabit sa Christmas tree ng kanilang Christmas wish na trabaho o dream job para sa 2019.

Mula dito, dalawa ang maswerteng mananalo ng cash prize.

Ang RMN Christmas tree lighting ay kauna-unahang proyekto ng RMN sa pangunguna ni Ms. Erika Canoy, VP for Content Marketing ng Marketing & Media Ventures na siyang tradisyon ng Pasko.

Ang ningning mula sa ilaw ng ‘RMN Christmas Tree Nationwide’ ay magsisilbing inspirasyon sa patuloy na paghahatid ng serbisyo at pagbibigay ng pag-asa sa bawat tagapakinig at sambayanang Pilipino.

Facebook Comments