Matagumpay na nagamot sa Region 1 Medical Center sa Dagupan City ang pinaka-unang pasyenteng natuklaw ng isa sa makamandag na ahas na matatagpuan lamang sa bansang Pilipinas.
Sa ibinahagi ng R1MC, naging matagumpay ang panggagamot sa isang lalaking pasyente sa lalawigan na natuklaw ng isang ahas na Philippine Pit Viper Snake na isang makamandag na ahas.
Sa naging posible panggagamot sa lalaki sa tulong ng mga doktor at nars sa mga medical units ng hospital gaya ng R1MC- Toxicology Center, Department of Internal Medicine, Center for Infectious Disease, Hematology Unit, and Dept. of Orthopedics.
Hindi na isinapubliko ang pagkakakilanlan ng lalaki dahil sensitibo at para na rin sa kanyang seguridad.
Ayon sa pananaliksik ng IFM Dagupan, ang ahas na ito ay isang makamandag na lowland ambush predator na kilala bilang isang notorious dahil sa kulay nito na nauugnay sa kulay ng kapaligiran na kulay berde.
Dagdag pa rito, ang kagat ng Philippine pit viper ay nakamamatay o maaaring maging sanhi ng pagkakaroon ng hemotoxin venom isang lason na maaaring sumira sa red blood cells ng isang taong biktima nito.
Nagpaabot naman ng pasasalamat ang pamilya ng biktima dahil sa matagumpay na panggagamot sa lalaking natuklaw ng naturang ahas. |ifmnews
Facebook Comments