Kauna-unahang Nuclear Magnetic Resonance Laboratory sa Visayas, bubuksan na sa 2022

Opisyal nang bubuksan sa publiko sa kalagitnaan ng taong 2022 ang kauna-unahang Nuclear Magnetic Resonance (NMR) Laboratory sa Visayas.

Ayon kay Department of Science and Technology (DOST) Secretary Fortunato de la Peña, pinondohan ito ng departamento na layong mapahusay ang Tuklas Lunas Development Centers sa Visayas at Mindanao.

Ang 18 buwang proyekto ay ipinatupad ng University of San Agustin, isa sa mga institusyong aktibo sa DOST’s Tuklas Lunas Program.


Sa ilalim ng programa, mapapaunlad pa ang paglikha ng mga gamot na makakatulong sa buong bansa sa tulong ng mga Pilipino scientists at researchers.

Nag-umpisa ang konstruksiyon ng NMR Laboratory noong June 15, 2021 at inaasahang matatapos sa December 14, 2022.

Facebook Comments