Kauna-unahang pabrika ng baterya para sa electric vehicles, mag-o-operate na sa bansa

Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang inagurasyon ng StB Giga Factory, isang pabrika ng baterya ng electric vehicle sa bansa.

Partikular na pino-produce ng kompanya ay ang Lithium Iron Phosphate (LFP) batteries na kilalang ligtas, episyente, at pangmaagalan.

Ito ang kauna-unahang kompanya sa Pilipinas na magpo-produce ng LFP batteries, para sa target ng pamahalaan na maabot ang renewable energy goals ng bansa.


Nasa 300 megawatt-hour, o katumbas ng 6, 000 electric vehicle battery o 60, 000 na mga home battery system ang inisyal na ipo-produce ng kompanya.

Inaasahang tataas naman sa 2 gigawatt-hour per year ang full production capacity ng kompanya pagdating ng 2030.

Katumbas ito ng 18,000 EV batteries o 400,000 home battery systems.

Ayon kay Pangulong Marcos, nasa 2,500 na karagdagang trabaho para sa mga Pilipino ang mabubuksan nito oras na maabot ang full production sa 2030.

Habang nasa P5 billion kada taon naman ang maiaambag ng produksyon sa lokal na ekonomiya mula sa mga negosyo, supplier, at kasosyo na nakikinabang sa kanilang mga operasyon.

Facebook Comments