KAUNA-UNAHANG PAGTATAYO NG DAY CARE CENTER SA PANGASINAN PPO, PORMAL NANG PINASINAYAAN; DEPUTY FOR OPERATIONS NG PNP NANGUNA SA SEREMONYA

Pormal nang pinasinayaan ang itatayong Child Development Center (Day Care) sa loob ng Pangasinan Police Provincial Office ngayong araw ng Lunes, ika-26 ng Hunyo.
Nanguna sa isinagawang groundbreaking ceremony si Police Lt. General Michael John Dubria, ang Deputy PNP Chief for Operations kung saan si Dubria ang kinatawan ni PGen. Benjamin Acorda Jr. kung saan sinamahan ang opisyal sa seremonya ng groundbreaking kasama sina PCol. Jeff Fanged, special assistant to the Governor, Von Mark Mendoza at iba pa.
Ayon kay PCol. Jeff Fanged, ang PNP Pangasinan Director na ang pondong gagamitin sa pagpapatayo ng pasilidad na ito para sa mga bata ay ang nalikom nilang pondo sa kakatapos lamang na dalawang araw na Congressman Sandro Marcos Cup Pangasinan Shoot for a Cause nito lamang Sabado at Linggo sa loob din ng PPO.

Matatandaan na sinabi ni Fanged noong nakaraang linggo sa kanilang programang Balitang Kasimbayanan ni Sirbilis @ ur serbis na ang mga miyembro ng Pangasinan Police na nakatalaga sa PPPO na may mga anak ay hindi na kailangang mag-alala kung saan iiwan ang kanilang mga anak kapag nag-report sila sa PPPO o sa kani-kanilang istasyon para sa trabaho.
Dagdag pa nito na kahit anong mangyari, itatayo ang pasilidad na ito sa kampo.
Ipinaabot naman ni PGen. Acorda Jr. sa pamamagitan ni Lt. Gen. Dubria ang kanyang papuri sa Pangasinan PPO sa inisyatibong ito na makakatulong sa kanyang mga kasamahang pulis sa probinsya. |ifmnews
Facebook Comments