Nakatakdang dumating sa Iraq ngayong araw si Pope Francis para sa kanyang kauna-unahang Papal visit sa bansa.
Tatagal ng apat na araw ang pagbisita ng Santo Papa kung saan makakasama niya ang Iraq’s Most Revered Shia Muslim Cleric.
Magsasagawa rin ito ng misa sa ilang simbahan ng Kristiyano sa bansa at bibisitahin ang mga residente sa bayan na kasalukuyang tinutuluyan ng Kristiyanong nakaligtas sa giyera laban sa grupong Islamic State (IS).
Dahil dito, higit 10,000 Iraqi Security Forces ang ipapakalat para tiyakin ang mapayapang paglalakbay ng Santo Papa.
Facebook Comments