Kauna-unahang Philippine Tourism Job Fair sa bansa, ibinida ng DOT at DOLE

Ibinida ng Department of Tourism o DOT at ng Department of Labor and Employment o DOLE ang matagumpay na pagsasagawa ng Mega Job Fair kung saan nagpaabot sila ng pasasalmat sa 157 nakilahok na employers na nag-alok ng kabuuang 8,310 tourism-related vacancies nang magsagawa ng Mega job fair program sa Manila, Cebu at Davao.

Paliwanag ng DOT na out sa mahigit 9,000 cumulative registrants, kabilang ang pre-registered at walk-in applicants, 395 ay agad na-hire on-the-spot habang 8,305 ay ikinokonsiderang malapit ng matanggap o ang mga natanggap depende sa kalalabasan ng interview at pre-employment requirements compliance.

Ayon naman sa DOLE partial report as of September 28, 1,049 applicants ay hindi kwalipikado habang ang 530 ay naireferred sa Technical Education and Skills Development Authority o TESDA para sa kanilang skills training.


Inaasahan ng DOT na marami pang mga susunod sa job fair ang isasagawa ng ahensiya sa iba’t ibang lugar sa bansa upang magkaroon ng hanapbuhay ang mga Pilipino na lubhang naapektuhan noon ng pandemya.

Facebook Comments