Kauna-unahang Philippine travel fair sa America, pinasinayaan ng DOT

Pinangunahan ni Department of Tourism (DOT) Secretary Maria Christina Frasco ang pagpapasinaya sa kauna-unahang Philippine travel fair sa Estados Unidos.

Ayon kay Frasco, labis siyang natutuwa na patuloy ang pag-angat ng Pilipinas bilang top-of-mind destination ng mga Amerikano gayundin ng mga Pilipinong pinili nang manirahan sa Amerika.

Aniya, magandang pagkakataon ito upang maialok ang Pilipinas sa kabuuan bilang top tourism destination sa buong mundo na makatutulong ng malaki para sa pagbangon muli ng bansa mula sa dagok ng COVID-19 pandemic.


Nakilahok din ang iba’t ibang airline companies tulad ng Philippine Airlines, EVA Airways, Singapore Airlines, Starlux Airlines, China Airlines, Cathay Pacific at Qatar Airways na nag-aalok ng malaking diskwento sa ticket patungong Pilipinas.

Samantala, marami ring nakiisang mga travel agency na siyang nag-aalok naman ng mga package para sa gagawing pagbisita sa bansa ng mga potensyal na turista sa bansa.

Facebook Comments