Sawa ka na ba sa Badminton, Tennis, o Pingpong? Baka gusto mong subukan ang bagong sports na kinahuhumalingan ngayon ng ilang Pangasinense, ang Pickle Ball.
Isinagawa ang kauna-unahang pickleball tournament sa lalawigan na ginanap sa Narciso Ramos Sports and Civic Center Lingayen, Pangasinan.
Mahigit nasa 150 na mga Pangasinenseng manlalaro ang nakilahok dito. Buo itong sinuportahan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Pangasinan.
Ayon kay Provincial Sports Coordinator Coach Leopoldo Arnaiz, nais na mas maipakilala pa ang larong pickleball sa probinsya.
Ang Pickleball ay isang paddle sport na halintulad sa larong tennis, badminton, at table tennis. Ito ay nilalaro sa isang badminton-sized court, gamit ang solid paddles at isang plastik na bola.
Ang isport ay naimbento noong 1965 sa Bainbridge Island, Washington, nina Joel Pritchard, Bill Bell, at Barney McCallum, na noon lamang ay naghahanap ng paraan para aliwin ang kanilang pamilya. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









