Itinalaga ni Pope Francis ang Filipino priest na si Father Edgar Gacutan bilang kauna-unahang Bishop sa Sendai, Japan.
Bago italaga bilang Bishop si Fr. Gacutan, nanilbihan muna ito bilang parish priest sa Matsubara Catholic Church sa Setgaya Ward ng Tokyo.
Si Gacutan ay lumaki sa Bayan ng Enrile, Cagayan kung saan nagtapos siya ng kursong Philosophy sa St. Louis University sa Baguio at Theology sa Maryhill School of Theology sa Quezon City.
Taong 1990 nang unang makarating si Gacutan sa Japan upang sumailalim sa internship ng tatlong taon bago ito italaga bilang assistant pastor sa Osaka, Japan noong 1994.
Ang pagkakatalaga kay Fr. Gacutan ay ikinatuwa naman ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP).
Facebook Comments