Kauna-unahang Pinoy na namatay sa COVID-19 sa Israel, naitala

Iniulat ng Philippine Embassy sa Tel Aviv ang kauna-unahang Pilipino sa Israel na namatay sa COVID-19.

Ang naturang babaeng Pilipino ay 65 years old.

Sa kabuuan, 46 na mga Pinoy sa Israel ang tinamaan ng nasabing virus pero 39 sa kanila ay gumaling na.


Patuloy rin ang pagbibigay ng Philippine Embassy ng pangangailangan ng mga Pinoy sa Israel na na-infect ng virus.

Binigyan din ng gobyerno ng Pilipinas ng financial assistance na USD 200 (P10,000) ang 588 overseas Filipinos na nawalan ng trabaho sa Israel dahil sa COVID-19 pandemic.

Facebook Comments