PANGASINAN NAKAPAGTALA NG KAUNA-UNAHANG PRIBADONG PAARALANG PASADO SA QS STARS

Pasado sa QS Stars Rating ang Panpacific University -Urdaneta Campus, kung saan sila ang kauna unahang pribadong paaralan na nakapasa sa Hilagang Luzon.
Kasabay ng kanilang selebrasyon sa kanilang ika 29 na taong anibersaryo ay kanilang inilantad sa publiko ang marka o grado na kanilang nakuha kung saan nasungkit nila ang gradong tatlo.
Ayon Dr. Danilo Bose, OIC ng CHED Region 1 umaasa ito na madadagdagan pa ang mga pribadong higher education sa rehiyon na makakuha ng grado sa nasabing pagsusuri.

Masaya namang ipinaabot ni Dr. Bose ang kanyang pagbati para sa parangal na nakuha ng paaralan Dagdag naman Dr. Rhonda Padilla, ang presidente ng nasabing paaralan umaasa ito na sa susunod na anibersaryo ng kanilang paaralan ay madagdagan ang kanilang grado at mas kanila pang pagbubutihan upang makapaghatid ng kalidad na serbisyo.
Samantala, ang QS Stars Rating System, ay isang paraan upang masuri kung gaano ka epektibo ang pamamahala ng isang unibersidad pagdating sa limang sangay nito na pagtuturo, pakikipagtransaksyon sa ibang bansa, pasilidad, estado ng mga empleyado, at ang pagtustos sa mga limang sangay. | ifmnews
Facebook Comments