KAUNA-UNAHANG REHABILITASYON NG PARONGKING RIVER SA CALASIAO, ISINAGAWA MATAPOS ANG MAHIGIT ISANG DEKADA

Matapos ang mahigit isang dekada na pagiging barado ng Parongking River sa Calasiao dahil sa tambak na basura at mga halaman, ikinasa ang kauna-unahang River Restoration Project kahapon, Pebrero 13.

Ayon sa barangay, mahigit isang dekada nang barado ang ilog sa Barangay San Miguel na madalas na sanhi ng pagbaha sa mga kalapit lugar.

Aniya, sa pamamagitan ng proyekto, inaasahang maibabalik ang maayos na daloy ng tubig sa ilog.

Pinangunahan ng Lokal na Pamahalaan ng Calasiao, katuwang ang Pamahalaang Panlalawigan, ang dredging at malawakang paglilinis ng naturang ilog.

Ayon sa pamunuan, unang hakbang pa lamang ang naturang aktibidad sa pinalawig na plano ng rehabilitasyon ng mga ilog sa bayan ng Calasiao. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments