Kauna-unahang scientific map ng Philippine archipelago, nai-turn over sa pamahalaan

Na-i-turnover na sa pamahalaan ang kauna-unahang scientific map ng Philippine archipelago na Murillo Velardo 1973.

Personal na tinanggap nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at First Lady Liza Araneta Marcos ang orihinal na kopya ng mapa sa Malacanang.

Ito ang itinuturing na ina ng lahat ng mapa ng bansa.


Ayon sa pangulo, nawa’y magsilbing inspirasyon ang mapa na ito para sa pagsusulong ng mga Pilipino ng hustisya, pagkakaisa, at paglaban sa kung ano ang dapat para sa bansa.

Malaki ang ginampanang papel ng mapa sa pagkakapanalo ng Pilipinas sa 2016 arbitral case nito sa Permanent Court of Arbitration laban sa claims ng China sa WPS, sa pamamagitan ng pagbibigay ng crucial evidence sa historical claims ng Pilipinas sa teritoryo ng bansa.

Facebook Comments