Sa kabila ng nagdaang Bagyo at patuloy na pag-ulan, tuloy ang selebrasyon ng ika-labingdalawang anibersaryo ng RMN Foundation.
Ngayong araw, nasa mahigit isandaang Senior Citizens at Persons with Disability sa Barangay 892, sa Sta. Ana, Maynila ang makikilahok sa tinatawag na Serbisyo Caravan.
Ito ang unang pagkakataon na sama-samang mga proyekto at serbisyo ang ihahatid sa pakikipagtulungan ng RMN Foundation at mga sponsors.
Kabilang sa mga programang hatid natin ngayong araw dito sa Santa Ana, Maynila ang Oplan Tabang Relief Foundation, Maria Corrina Canoy Feeding Program, Pampering Services, Medical and Dental Mission, Wellness and Safety Talks at One Radio Campaign.
Ang mga makikinabang dito ay mga naapektuhan ng nagdaang Bagyong Carina na nagdulot ng malawakang pagbaha noong Hulyo at ang kalalabas lamang kahapon ng bansa na Bagyong Enteng.
Sa loob ng 12 taon, nananatiling committed ang RMN Foundation sa paghahatid ng serbisyo publiko sa ating mga kababayan dumaan man ang mga bagyo at iba pang sakuna.
Katuwang din ng RMN Foundation sa Serbisyo Caravan na ito ang DZXL News, IFM 93.9 Manila at DWWW 774.