Kauna-unahang shipment ng ₱8.2-M halaga ng frozen durian na in-export ng Pilipinas, ipinadala na sa China

Itinuturing ng Department of Agriculture (DA) na simbolo ng tagumpay ng Pilipinas ang unang export ng durian palabas ng bansa.

Ito ay matapos ang unang shipment ng frozen durian meat at frozen durian paste patungong China na nagkakahalaga ng ₱8.2 milyon.

Ayon sa Department of Agriculture-Region XI (DA-RFO XI), ang shipment ay binubuo ng 300 kahon ng frozen durian paste at 1,050 kahon ng frozen durian meat.


Ang naturang shipment ay dumaan sa mahigpit na pagsusuri ng General Administration of Customs ng China bago ito makalabas ng Pilipinas patungo ng Nansha District, Guangzhou Province, China.

Sabi ni Macario Gonzaga, Regional Executive Director ng DA-REGION 11, na ang frozen durian ay simbolo ng pag-asa at pangarap ng mga magsasaka na patunay na kung magtutulungan ay maaaring makamit ang layunin na madala sa ibang bansa ang durian.

Paliwanag pa ni Gonzaga ang Maylong Enterprises Corp., isang kompanya sa Davao City at DA-RFO XI at ang Bureau of Plant Industry-Plant Quarantine Service at Port of Davao ang nagtulungan para mai-export ang itinururing na king of fruits ng ating bansa

Facebook Comments