Kauna-unahang smart police station sa buong mundo, inilunsad sa Dubai

Dubai – Inilunsad ngayon ang kauna-unahang smart police station sa buong mundo kung saan maaaring makapagsumbong at makapagreklamo ang mga tao 24/7, gamit lang ang computer.

Binuksan ng Dubai police ang ganitong klase ng serbisyo kung saan pwede kang magsampa ng kaso, mag-upload ng ebidensya, kumuha ng police certificate, at magbayad ng multa gamit ang credit card, cash, o Near Field Communication (NFC), tulad ng Samsung pay.

Ilan sa mga serbisyong ito ay may makakausap ka na pulis sa computer habang ang iba ay automated na.


Layunin daw ng dubai police na magkaroon ng mas maraming human-free stations para madaling gamitin at mas maging pribado.

Facebook Comments