Matagumpay na naganap ang State of the Province Address ng Gobernador ng Pangasinan na si Governor Ramon “Mon-Mon” Guico III na isinagawa sa Sison Auditorium, sa bayan ng Lingayen.
Ito ang kauna-unahang SOPA ng gobernador kung saan, binigyang-diin nito ang kahalagahan ng Filipino Values at Traits tulad ng pagtitipid, paglilinis, pakikipagkapwa, pakikiisa, pagtutulungan at bayanihan, paglilingkod, pangunguna, pagmamalasakit, pananampalataya at pasasalamat.
Dito, ibinahagi ng gobernador ang mga nakalatag na malalaking programa at mga proyekto ng kanyang administrasyon kung saan sinabi nito na hindi magiging posible ang mga ito kung wala ang mga humahaligi sa kanya.
Bukod sa mga programa at proyekto, ibinahagi rin nito ang mga malalaking accomplishments ng bawat opisina sa lalawigan na naging dahilan ng kanilang matagumpay na operasyon.
Binanggit din ng opisyal ang mga proyekto at programang muling bumuhay sa ekonomiya ng probinsya dahilan upang maging progresibo ito.
Ayon pa sa kanya, hindi umano nito makakaya na gawin ang lahat ng mga pangarap sa probinsya kung walang pagkakaisa, kung kaya’t hinikayat nito ang bawat isa sa probinsiya lalong-lalo na ang mga Pangasinense na makiisa upang tuluyang makamit ang inaasam-asam na patuloy na pag-angat ng probinsya. |ifmnews
Facebook Comments