Kauna-unahang submarine system para mapabilis ang internet at telcos connection – itatayo sa Davao City

Manila, Philippines – Pinuri ni Pangulong Rodrigo Duterte ang patuloy na pagpapaganda ng internet connection at serbisyo ng mga telecom industry sa bansa.

Kasunod na rin ito pagpili ng Globe Telecom sa Davao City para sa itatayong kauna-unahang submarine system o Southeast Asia-United States (SEA-US) Cable Commercial System.

Sa pamamagitan ng SEA-US Cable System, mas mapapabilis at mapapadali ang pag-access sa mga serbisyo ng telcos sa davao City maging sa ibang bansa.


Magbibigay din ito ng trabaho, investment at mga oportunidad sa Davao Region at sa Mindanao.

Facebook Comments