Kauna-unahang subway sa Pilipinas, magiging operational bago matapos ang termino ni PBBM

COURTESY: DOTr-Philippines/Facebook

Nangako si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na magiging operational na ang subway ng Pilipinas bago matapos ang kaniyang termino sa 2028.

Ayon kay Pangulong Marcos, malaking hakbang ito para masolusyonan ang traffic sa Metro Manila.

Bukod dito, sinabi ng pangulo na makatutulong din ito sa mabilis na pagtransport ng mga produkto ng magsasaka hanggang sa merkado.

Nagsimula ang konstruksyon ng Metro Manila Subway Project noong 2019 ngunit naantala ito dahil sa COVID-19 pandemic at nag-umpisa naman ang tunneling nito noong 2023.

Pero noong nakaraang buwan, sinabi ng Department of Transportation (DOTr) na baka sa 2032 pa tumakbo ang subway dahil sa ilang mga delay.

Facebook Comments