KAUNA-UNAHANG THEME PARK SA PANGASINAN, MAGBUBUKAS NA – IDOL MAYA

Magbubukas na sa Bayambang ang kauna-unahang theme park sa Pangasinan, ang Blue Sky Theme Park and Event Center.

Kasabay ng soft opening ngayong Sabado, Nobyembre 29, 2025, gaganapin din ang Christmas lighting event pagdating ng alas sais ng gabi.

Tampok sa parke ang iba’t ibang rides mula sa mga extreme attractions tulad ng Roller Coaster, Viking, Rainbow Drop, at Space Bumpers, hanggang sa mga mas payak na Carousel at Train rides para sa mga bata at pamilya.

Bukod sa mga rides, inaasahang makikita rin ang masasarap na pagkain, stalls, at iba pang pasyalan na tiyak na magbibigay saya sa mga bisita ngayong kapaskuhan.

Ito ay magandang pagkakataon para sa mga Pangasinense na magsaya at ipasyal ang buong pamilya nang hindi na kailangan pang lumayo sa ibang lalawigan.

Facebook Comments