KAUNA-UNAHANG TOURISM REST AREA SA LA UNION, PINASINAYAAN

Pinasinayaan ng Department of Tourism Region 1 ang kauna-unahang Tourism Rest Area sa La Union na matatagpuan sa bayan ng Naguilian.
Layunin ng Tourism Rest Area na makapagbigay ng mahusay na overall visitor experience sa mga residente at turista na tutungo sa Northern Luzon.
Nakatakdang magkaroon ng cafe, palikuran, charging station, government substations at offices, maging tourist lounge na magtatampok sa industriya ng bancagan weaving sa bayan at pasalubong center.
Hinikayat ng tanggapan ang mga lokal na isulong ang produktong lokal kasabay ng pag-angat ng turismo upang maging ‘gateway’ ang bayan tungo sa mga pasyalan sa Northern Luzon.| 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments