Isinagawa kahapon, Agosto 11, ang kauna-unahang Universal Health Care (UHC) Fair sa bayan ng Binmaley, Pangasinan, sa pangunguna ng Provincial Health Office katuwang ang Rural Health Unit ng Binmaley.
Layunin ng programa na maihatid nang mas malapit sa komunidad ang libreng serbisyong medikal tulad ng blood donation, dental at medical check-up, laboratory services gaya ng ECG at X-ray, at pagbabakuna.
Mayroon ding mga information booth tungkol sa mental health, rabies, HIV, kalinisan at sanitasyon, pangangalaga sa ina at sanggol, at family planning.
Namahagi rin ng food packs, educational materials, at libreng pagkain para sa mga dumalo.
Bahagi ito ng patuloy na pagsisikap ng lalawigan na maipatupad ang pantay at dekalidad na serbisyong pangkalusugan para sa lahat. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments









