KAUNA UNAHANG (UNAHCO) MOBILE LABORATORY VETERINARY MISSION, MATAGUMPAY NA ISINAGAWA SA ALAMINOS CITY

Isang kauna unahang Univet Nutrition & Animal Healthcare Company (UNAHCO) Mobile Laboratory Veterinary Mission ang matagumpay na idinaos at isinagawa sa Alaminos City.
Ang aktibidad na ito ay naisagawa sa pangunguna ni DR. AJ Orillena katuwang ang City Veterinary Office na pinamumunuan ni DR. Ronaldo B. Abarra at Business Prime Enterprises Incorporated (BPEI).
Naglalayon ang aktibidad na ito mamonitor kung may mga sakit na tumatama sa mga alagang hayop gaya na lamang ng baboy at manok.

Nalalaman ito sa pamamagitan ng pagsuri sa dugo ng mga hayop.
Tinignan at sinuri rin ang tubig na ginagamit sa mga farm nang sa gayon ay malaman din kung ito ay walang kontaminasyon na siyang maaaring pagmulan ng mga sakit ng mga alagang hayop. |ifmnews
Facebook Comments