Kaunaha-unahang paglipad ng pinakamalaking eroplano ng China, matagumpay

China – Naging matagumpay ang kauna-unahang paglipad ng pinakamalaking passenger aircraft na gawa ng China.

Ang nasabing eroplano ay kayang magsakay ng higit 150 pasahero at nagkakahalaga ito ng 50 milyong dolyar.

Matapos ang 90 minutong paglipad ay ligtas itong lumapag sa Pudong Airport sa Shanghai.


Sa unang paglipad lulan lamang ng limang piloto, crew at engineers na sinaksihan ng mga maraming tao at dignitaries ng bansa.

Lumipad lamang ito na may taas na higit 9,000 talampakan at may bilis lamang na 300km/h.

DZXL558

Facebook Comments