Kaunlad Pinoy Partylist, isinusulong ang mga kapakanan ng maliliit na negosyante sakaling papalarin sa halalan

Naniniwala ang Kaunlad Pinoy Partylist na ang bawat Pilipino na may negosyo ay mayroong posibilidad na umasenso.

Ito ngayon ang itinutulak ng Kaunlad Pinoy Partylist sakaling papalarin na manalo sa darating na 2025 National and Local Elections.

Ayon sa Kaunlad Pinoy Partylist, panahon na para ang mga hinaing at boses nang mga maliit na negosyong Pilipino ay marinig sa bulwagan ng Kamara.


Ang Kaunlad Pinoy Partylist ang magiging boses, kinatawan, at kakampi ng bawat sari-sari store, karinderya, fish ball vendors, kiosk, stall, taho at ice cream vendors, online sellers, at iba pang mga maliit at impormal na negosyo na nagbibigay kabuhayan sa maraming Pilipino.

Isusulong at ipaglalaban ng Kaunlad Pinoy ang interes at kapakanan ng bawat Pilipino na may pangarap umunlad at mabigyan ng magandang buhay at kinabukasan ang kanilang mga mahal sa buhay sa pamamagitan ng pagnenegosyo.
Kami ay nananawagan sa lahat ng mga maliit at impormal na negosyong Pilipino, pati na rin sa lahat ng mga Pilipinong nangangarap ng sarili nilang negosyo na suportahan ang Kaunlad Pinoy Partylist sa darating na halalan sa darating na Mayo 2025.

Facebook Comments