Marawi City – Naniniwala ang Armed Forces of the Philippines na kahit kakaunti nalang ang bilang ng mga miyembro ng Maute Group sa Marwi City ay banta parin ito sa seguridad.
Sa Mindanao hour sa Malacañang ay sinabi ni AFP Spokesman Brigadier General Restituto Padilla na kaya patuloy ang ginagawang pagiingat ng mga sundalo sa Marawi City ay dahil mayroon pang 80-100 combatants ang Maute.
Binigyang diin din ni Padilla na bukod sa mga nasa Marawi ay kailangan ding mahuli sa lalong madaling panahon ang mga personalidad na kabilang sa inilabas na arrest order ng Department of National Defense.
Hindi lang aniya ang Marawi City ang kanilang binabantayan dahil kailangan ding bigyan ng seguridad ang mga lugar na malapit sa Marawi City tulad ng Cagayan de Oro at Iligan City dahil may posibilidad na noong unang bahagi ng bakbakan ay nakatakas ang ilang miyembro ng Maute na banta sa seguridad.
Pero ibinida din naman ni Padilla na nahuli na ng mga otoridad ang ilang miyembro ng Maute kabilang na ang bomb expert na si Abu Jadid at sa Cagayan de Oro City.
tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558