Itinuturing ni Vice President Sara Duterte na attempted homicide ang utos ng House Committee on Good Government and Public Accountability na ilipat ang kanyang chief-of-staff na si Atty. Zuleika Lopez sa Women’s Correctional Center sa Mandaluyong City.
Sa isang ambush interview, ibinahagi ni VP Sara na natatakot si Lopez para sa kaniyang sariling kaligtasan at nababalisa ito tuwing makakakita ng mga naka–unipormeng pulis.
Giit pa ng bise presidente, hindi niya maunawaan kung bakit kinakailangang ilipat ng correctional si lopez sa kabila ng pakikipagtulungan nito sa Kamara.
“kasi imagine nine biglang papasok sa kwarto mo wala naman tayong problema… ano bang problema natin nandoon nakadetainee ang tao, nag–aattend ng hearing, bumibisita kami, sinusunod ang oras na pagbisita, i don’t understand why you have to antagonize a detainee.”
Aniya, nababahala siya sa sitwasyon nito matapos ang pakiusap ni Lopez na hindi na niya kinakaya ang nangyayari at nais na niya itong mahinto.
“im worried, inano niya yung ballpen ginaganyan niya yung ballpen sinabi niya sa amin ayoko na ito make this stop..i will stop this and she already said her pleas kanina before she started vomitting she said her pleas??? Parang she does not feel safe and she is astounded with the lack of rules… lacks of democracy.”
Isinugod sa ospital si Lopez matapos na magsuka at mahimatay dahil sa panic attack habang binabasahan ng utos na ilipat siya sa correctional.