Ibinasura ng Court of Appeals (CA) ang kautusan ng Securities and Exchange Commission (SEC) na binabawi ang certificates of incorporation ng online news website na Rappler Inc. at Rappler Holdings Corporation (RHC).
Ito ay dahil sa paglabag umano sa foreign ownership restrictions sa mass media companies.
Sa 48 na pahinang desisyon ng CA special 7th division na may petsang July 23, 2024, ipinag-utos ng appelate court sa SEC na ibalik sa Rappler ang certificate of incorporation.
Batay sa desisyon ng CA, napatunayan na ang “Rappler Holdings, at ang extension nitong Rappler ay wholly owned and managed o pag-aari at pinangangasiwaan ng Pilipino na naaayon pa rin sa Saligang Batas.
Noong 2018 nang bawiin ng SEC ang lisensiya ng Rappler para mag-operate dahil sa paglabag sa foreign equity restrictions sa mass media matapos itong mag-isyu ng Philippine Depositary Receipts (PDRs) sa foreign investor na Omidyar Network.
Pero sabi ng CA, kahit may PDR ang Omidyar ay hindi ito katumbas ng ownership dahil nakasaad sa kasunduan na ito ay kung papayagan lamang sa ilalim ng batas ng Pilipinas, bagay na hindi naman pinahihintulutan sa ilalim ng konstitusyon.