Kinuwestiyon ng ilang senador sa Korte Suprema ang kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte na nagbabawal sa mga miyembro ng gabinete na dumalo sa mga pagdinig ng Senado hinggil sa kinukuwestiyong pagbili ng pamahalaan ng pandemic supplies sa Pharmally Inc.
Kabilang sa petitioners sa petition for certiorari and prohibition na inihain sa Supreme Court sina:
– Senate Pres. Vicente Sotto III
– Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri
– Senate Pro Tempore Ralph Recto
– Senate Minority Leader Franklin Drilon
– At Senador Richard Gordon, na chairman ng Senate Blue Ribbon Committee
Inihirit nila sa Korte Suprema na magpalabas ng Temporary Restraining Order o TRO o status quo ante order laban sa kautusan ni Pangulong Duterte.
Una nang naglabas ng memorandum ang presidente na nag-uutos sa cabinet secretaries na huwag dumalo sa nasabing Senate inquiries laban sa Pharmally.
Kabilang sa respondents sa petisyon sina Health Sec. Francisco Duque III at Executive Sec. Salvador Medialdea.