MANILA – Iginiit ngayon ng National Democratic Front of the Philippines na hindi maaaring muling arestuhin ang mga pinalayang lider at consultant ng komunistang grupo.Ayon kay NDF Senior Adviser Luis Jalandoni – protektado ang lahat ng NDF consultant’s ng Joint Agreement on Safety and Immunity Guarantee o JASIG.Sinabi din ni Jalandoni na batay sa kasunduan sa JASIG, para i-terminate ang peace negotiation ay kinakailangan rin aniya ng written notice of termination.Nitong Sabado, ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang muling suspensyon ng peace talks sa pagitan ng CPP-NPA-NDFP at pinababalik na ang mga lider nito sa kulungan matapos ang pagpaslang ng mga rebelde sa 3 sundalo sa Mindanao.Kapwa na rin iniatras ng magkabilang kampo ang umiiral na ceasefire.
Kautusan Ni Pangulong Rodrigo Duterte Na Pag-Aresto Sa Mga Pinalayang Ndf Consultants – Labag Sa Kasunduan Sa Jasig, Ayo
Facebook Comments