Kautusan sa pagpapalawig ng rice import ban, ilalabas sa unang linggo ng Nobyembre —Malacañang

Inaasahang ilalabas ng Malacañang sa unang linggo ng Nobyembre ang kautusan kaugnay sa pagpapalawig ng rice importation at farmgate price ng palay.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, tinatalakay ngayon ng Cabinet-Level Tariff and Related Matters Committee ng Economic Development Council ang rekomendasyon para palawigin ang suspensyon ng rice importation.

Nagkaroon na rin aniya ng pagpupulong ang konseho nitong nakaraang linggo upang ayusin ang detalye ng polisiya, kabilang na ang pagtatakda ng tamang presyo sa pagbili ng palay mula sa mga magsasaka.

Sabi ng Department of Agriculture (DA) na mananatili ang rice importation ban hanggang sa katapusan ng taon.

Muling papayagan ang pag-aangkat sa Enero 2026, pero ibabalik ulit ang ban sa Pebrero kasabay ng anihan.

Layunin nitong protektahan ang mga lokal na magsasaka laban sa pagkalugi dahil sa murang imported rice at mababang presyo ng palay.

Facebook Comments