Pirmado na ni Italian Prime Minister Giuseppe Conte ang kautusang nagbabawal sa inter-regional travel ngayong Kapaskuhan.
Ayon kay Conte, hindi na maaaring bumiyahe papuntang ibang rehiyon ang kanilang mga residente mula Disyembre 20 hanggang Enero 6, 2021.
Layon nitong maiwasan ang muling pagtaas ng kaso ng COVID-19 ngayong pasko na maaaring magresulta sa third wave ng COVID-19.
Nabatid na isa ang bansang Italy sa may pinakamaraming naiitalang nasawi sa mundo kada araw dahil sa nasabing virus.
Facebook Comments