Kautusang nagpo-protekta sa mga informal workers mula sa gender-based sexual harassment, inilabas na ng DOLE

Inilabas na ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang mga patakaran sa pagprotekta sa informal workers mula sa gender-based sexual harassment.

Sa ilalim ng Department Order 230, nakalatag dito ang mga pamamaraan at intervention para sa mga kaso ng gender-based sexual harassment sa kanilang trabaho.

Sakop ng kautusang ito ang mga kasambahay, manggagawa sa informal economy at mga nasa establisyimentong mayroon lamang 10 tauhan pababa.


Dahil dito, obligado na ang mga employer na i-orient ang kanilang trabahador tungkol sa Republic Act 11313 o Safe Spaces Act.

Habang dapat nakasaad din sa kontrata ng manggagawa na ligtas ang mga ito mula sa anumang klase ng sexual harassment.

Kaugnay nito, hinikayat ng ahensya ang mga mangagawa na isumbong sa kanilang tanggapan sakaling may mga employer na hindi susunod sa nasabing kautusan.

Facebook Comments