Kawalan ng alam ng Davao Police sa kinaroroonan ni Pastor Quiboloy, binatikos ng isang kongresista

Binatikos ni House Deputy Minority Leader at ACT Teachers Party-list Representative France Castro ang kawalan ang pahayag ng Davao police na wala itong alam sa kinaroroonan ni Kingdom of Jesus Christ (KOJC) Founder at self-proclaimed “Son of God” Pastor Apollo C. Quiboloy.

Katwiran ni Castro, sayang ang intelligence at confidential funds ng pulisya kung gagamitin lang sa hindi makatwirang pag-aresto o umano’y pagdukot sa mga aktibista.

Diin ni Castro, ipinakikita nito ang napakaliwanag na pagiging double standard o hindi pagiging patas ng mga awtoridad.


Bunsod nito ay iginiit ni Castro na dapat pairalin ang hustisya, pagkakapantay-pantay, at pagrespeto sa karapatang-pantao gayundin ang patas na pagtrato sa lahat anuman ang estado o kinakaaniban nito.

Si Quiboloy ay may kinahaharap na warrant of arrest sa Senado at House of Representatives dahil sa hindi nito pagdalo sa mga pagdinig ukol sa paglabag sa prangkisa ng Sonshine Media Network International (SMNI) at alegasyon ng human trafficking at child abuse.

Facebook Comments