CAUAYAN CITY- Isa sa mga suliraning bumabagabag ngayon sa mga opisyal ng Brgy. Carabatan Punta ay ang kawalan ng bangka o motorized boat sa kanilang lugar.
Sa panayam ng IFM News Team kay Brgy. Kagawad Jonathan Marquez, tuwing nakakaranas sila ng pagbaha ay hirap ang kanilang barangay sa pag-responde at paglikas sa mga residente dahil sa kawalan ng sariling bangka.
Aniya, dahil sa kawalan ng kagamitan ay umaasa sila mula sa tulong ng ibang barangay at Lokal na Pamahalaan ng Cauayan.
Dagdag pa niya, bukod sa motorized boat ay problema rin ang paglilikasan sa mga residente dahil hindi pa tapos ang konstruskyon ng kanilang evacuation center.
Facebook Comments