KAWALAN NG COVID-19 FACILITY SA TAYUG DAHILAN UMANO NG PAGKALAT NG VIRUS SA BAYAN; NO MOVEMENT DAY SA TAYUG, LIFTED NA

TAYUG, PANGASINAN – Problema ngayon ng lokal na pamahalaan ng tayug ang hindi pagkakaroon ng COVID-19 facility sa bayan kung kaya’t patuloy na tumataas ang kaso ng COVID-19 sa bayan. Samantala, No Movement sa Tayug, lifted na.

Ayon sa lokal na pamahalaan matagal ng nagawa ang budget proposal ng nasabing pasilidad ngunit ang ilang mga kawani ng sangguniang bayan ay tutol sa pagpapatayo nito.

Dagdag pa ng nasabing ahensya dahil tanging home quarantine lamang ang isinasagawang paglunas sa virus, hindi maiwasan na kumalat parin ito dahil marami sa mga residente ang hindi sinusunod ang tamang proseso ng home quarantine.


Nasa apatnapu’t tatlo ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa bayan.

Sa ngayon hiling ng mga residente sa bayan na ngayong pandemya ay isantabi muna ang pamumulitika ang unahin ang ikakabuti ng masa.

Samantala, lifted na sa bayan ng Tayug ang No movement Day sa bisa ng executive order no. 28 series of 2021.

Ibig sabihin nito pinapayagan na tuwing linggo na mag operate ang lahat ng establisyimento sa bayan ng Tayug.

Nakapaloob din sa nasabing kautusan na tuwing Huwebes ay bukas lamang ang pamilihang bayan ng tayug sa oras ng alas kwatro ng umaga hanggang alas dose ng tanghali upang bigyang daan ang dissenfection.

Samantala, hindi na rin kailangan magpakita ng quarantine pass ang mga residente ng bayan at mula sa ibang bayan kapag papasok sa bayan ng Tayug.

Facebook Comments