Kawalan ng death penalty, dahilan kung bakit ginagawang playground ng ilegal na droga ang Pilipinas

Manila, Philippines – Kumbinsido si Committee on Public Order and Dangerous Drugs Chairman Senator Panfilo Ping Lacson na ang kawalan natin ng death penalty ang isa sa mga pangunahing dahilan kaya patuloy na ginagawang playground ng ilegal na droga ang Pilipinas.

Sabi ni Lacson, may mga indikasyon na kaya binabagsak ng mga sindikato ng droga at malalaking drug lords ang kanilang kontrabando sa Pilipinas dahil ligtas sila dito sa parusang bitay sakaling mahuli.

Bukod dito ay tinukoy din ni Lacson ang pagkakaroon ng mga prosecutors na pumapayag na makipag-ayos sa mga kasong may kinalaman sa ilegal drugs.


Si Lacson ay isa sa mga may-akda ng panukalang ibalik ang parusang bitay sa bansa.

Facebook Comments